Saturday, January 5, 2008

IN or OUT


IN OR OUT
-jomahkulet-


(-_-) eto po ay isang dula na aking ginawa para pukawin ang puso niyo… sana ay ma-engganyo kayo… open your heart.. isipin niyo na kasama ka sa mga nagaganap…


Mga Tauhan:

Bossing – may ari ng apartment
Boy- katiwala
(-_-) – May akda, nagkukwento

Senaryo: Sa loob ng opisina


Bossing: Maari ba kita pagkatiwalaan na kilalanin ang mga tao na balak umarkila ng kwarto sa aking apartment?

Boy: kaya nyo nga po ako kinuha na katiwala dahil pinagkakatiwalaan niyo ako.

Bossing: sige!! Ikaw na muna ang bahala ditto…

(-_-): umalis si bossing sa opisina… ilang minuto lang ay may dumating ang lalake..

Totoy: Pwede ba akong marenta ng kwarto dito sa inyong apartment?

Boy: Maari po ay magpakilala muna kayo sa akin….

Totoy: ako ay si Totoy Bayo, 23 anyos, walang natapos dahil nalululong ako sa bawal na gamut pero sinusubukan kong magbago…

Boy: Ayon sa aking nalaman ay di ko maaring isaalang-alang ang apartment na toh… di ko po kayo pwede tanggapin… pinagkatiwalaan ako ng aking amo…

(-_-): Umalis ng nanlulumo ang lalaki matapos marinig ang sinabi ni boy… ilang minuto lang ay may pumasok naman na babae…

Curacha: maari po ba akong mag rent ng kwarto dito sa apartment ninyong ilang gabi lamang dahil wala pow akong matirhan???

Boy: Maari po ba na magpakilala ka muna sa akin ng aking masuri kung maari ka sa apartment na ito…

Curacha: sige pow, ako po si curacha, 17 anyos, dalawang taon na akong nagbebenta ng laman sa bar na kumupkop sa akin simula ng akoy naulila… tumakas po ako dun sa bar sa kadahilanang gusto ko ng magbago…

Boy: Ayon sa aking nalaman ay di ko maaring isaalang-alang ang apartment na toh… di ko po kayo pwede tanggapin… pinagkatiwalaan ako ng aking amo…

(-_-): umalis ang babae na sobrang masama ang loob na dinaan na lang sa iyak ang lahat… ilang minuto ay may dumating na lalake…

Baby: maari ba akong umarkila ng kwato dito??

Boy: Maari lang po na kayo ay magkilala muna ng aking malaman kung sino man ang titira dito…

Baby: ako si Baby Ama, 45 taong gulang… ex-convict.. nakapatay ng kaibigan dahil sa alak…masakit sa akin ang nangyari dahil iniwan ako ng aking pamilya… pinagdusahan ko na ang aking nagawa…

Boy: Ayon sa aking nalaman ay di ko maaring isaalang-alang ang apartment na toh… di ko po kayo pwede tanggapin… pinagkatiwalaan ako ng aking amo…

(-_-): Umalis na ang lalake na nakayuko at lumuluha… ilang minuto ay may dumating na dalawang lalake….

Rustom: maari ba kami umarkila ng kwarto ng aking kasama… kahit ilang araw lang dahil pinalayas ako ng aking ama

Boy: Maari ba na kayo ay magpakilala muna sa akin?

Rustom: opo, ako pow si Rustom, pero Ruffa na po ang aking pangalan, siya pow si Ylmas, ang aking napangasawa sa Japan… dati akong lalake pero sa tulong ng teknolohiya ay ginawa nila akong babae, di ako natanggap ng aking pamilya… gusto ko lang naman ay matanggap lang nila kung sino ako…

Boy: Ayon sa aking nalaman ay di ko maaring isaalang-alang ang apartment na toh… di ko po kayo pwede tanggapin… pinagkatiwalaan ako ng aking amo…

(-_-): gaya ng iba ay umalis din sila ng sobrang lungkot ang lumuluha … ilang minuto ay may dumating na mag ina….

Volta: Maari pow ba kaming makituloy dito sa kadahilanang may sakit ang aking anak at kailangan naming ng masisilungan..

Boy: maari pow ba na magpakilala muna kayo sa akin??

Volta: ako pow si Volta d. maharlika, 38 anyos, biyuda… namatay ang aking asawa sa maling operasyon, nagbebenta siya ng kanyang lamang loob gaya ng bato, baga, puso, mata at utak para lang may pantawid gutom… gusto ko pow muna tumuloy dito kaso ay wala kaming pera para mangupahan ng kwarto..

Boy: Ayon sa aking nalaman ay di ko maaring isaalang-alang ang apartment na toh… di ko po kayo pwede tanggapin… pinagkatiwalaan ako ng aking amo…


(-_-): Umalis ang mag-ina sa sama ng loob at di malaman ang gagawin…. Kinabukasan bumalik si bossing para kamustahin si Boy…

Bossing: Kamusta ang Apartment???

Boy: Wala pong bago na nag rent sa apartment na to…

Bossing: Ah… Tignan mo tong balita, ang daming masamang nangyari nitong nagdaan na gabi…

(Dyaryo)

DRUG USER PATAY!!! TATLO ANG TAMA NG BALA SA ULO..

PROSTITUTE GINAHASA!!! PATAY NA LUMULUTANG SA ILOG PASIG…

EX-CONVICT NAPAG-TRIPAN NG MGA TAMBAY… KRITIKAL SA HOSPITAL

BADING… UMINOM NG LASON.. PATAY!!!

BABAE TUMALON SA BILLBOARD SA MAKATI, KASAMA PATI ANG KANYANG ANAK… INA BUHAY PERO KRITIKAL, ANAK PATAY!!

Boy: sila yung galling ditto kahapon hah… pero tinanggihan ko sila patuluyin dito!!!!

(-_-)
Natawa ka nuh… dahil sa mga pangalan ng mga tauhan… may dapat ba ikatuwa??? Kung ikaw yung si Boy at mangyari sayo itong kaganapan na ito… anu gagawin mo?? Siyempre sasabihin mo na papatuluyin ko sila…. Tsk tsk tsk… hanggang sabi ka lang eh,, diba?? Kulang sa gawa… kaya mu lang naman nasabi yun dahil alam mu na yung kakahinatnan ng mga tao na gusto pumasok sa apartment… eto na po yung gusto ko ipahiwatig… si bissing ang kumakatawan kay god, ikaw ang kumakatawan kay boy at yung apartment ang kumakatawan sa buhay mo…. Pinagkatiwala ni god yung buhay natin sa atin para maging parte ng buhay ng ibang tao… hindi para mag reject!!! Isa sa pinakamasakit at ayaw maramdaman ng tao eh ang rejection… diba nga ikaw ayaw mo ma-reject, bakit gagawin mo sa iba… kung nakaya mo sikmurain na sabihin na FUNCTIONAL KANG TAO… makikipagkaibigan lang ako sa inyo dahil kinakailangan…. Ang kapal mo pare!!! Wala kang karapatan mag-reject ng tao sa kadahilanang di mo siya gusto, dahil ayaw siya ng kaibigan mo… dahil iba siya… dahil nakakatakot siya, dahil makasalanan siya, dahil galit ka sa kanya…. Diyos mo nga di nag-reject eh.. nagpatawad pah at tinatanggap pa din kahit anung uri pa man basta lumapit lang sa kanya… kung ang diyos kaya ang maging functional… IN ka kaya… o OUT…. Talaga in kah??? Yun ba yung sinagot ng puso mo dahil sa mga nagawa mo?? Napansin mo ba na di ko tinapos ang dula na aking ginawa… Siguro naisip mo na ako yung tao na di kayang tapusin ang nasimulan… actually ngayon ko lang gagawin yun… sinadya ko talaga kasi na di tapusin ang dula na ito… bakit??? Sa kadahilanang di pa ito ang katapusan…. Humingi tayo ng kapatawaran sa mga tao na ating nasaktan, ni-reject, tinawanan, kinahiya, inalipusta, nakaaway….. mahirap ba?? Nahihiya kah??madami ng nawala na di ka man lang nakahingi ng tawad!!! Mali kung sasabihin ko na dine-dare kita na gawin yun kasi yun naman talaga ang nararapat gawin… gawin mo na bago pa mahuli ang lahat…. Mawala ang taong yun o ikaw ang mawala…. Sana na apriciate mo ang aking dula… este ang dula ng iyong nakaraan, dula na iyong pinagdadaanan… Nasa iyo pa din kung paano mo tatapusin ang dula ng iyong buhay!!! Lung ikaw ba ay magiging IN or OUT!!!

Media Noche


MeDiA NoChE
-jomahkulet-


Media noche!!! Salo-salo ng pamilya sa hapag ng pagkain para sa pagpasok ng bagong taon.. lahat ng tao nagsasaya, nakangiti, nagiingay.. kahit konti lang ang kakainin eh ok lang basta sama-sama lang silang magpapamilya… Pero alam mo ba kung anu ang pinagkaka abalahan ng mga taong nakapaligid sayo bago sumapit ang bagong taon?? Eto ang kwento ko… Dec. 31 , 2007, last day na ng taon, paglabas ko pa lang ng aking bahay eh amoy na amoy mo na yung mga inihaw na isda at manok.. sarap!!! Kahit maaga pa eh nagpapaputok na ng picollo ang mga bata… yung mga kada ko nagbabasketball para may magawa, pampalipas oras.. ako?? 2pm nakahiga pah.. hehehe!!! Kinahapunan pumunta ako ng recto para bumili ng mga gamit na magagamit ko sa paaralan… napadaan yung jeep sa may palengke, grabe ang dami ng tao… kanya kanya sila sa pagbili ng prutas, paputok, pagkain… pagbaba ko sa jeep sa recto my barker ng jeep dun na sigaw ng sigaw.. tinanung niya yung kasabay kong mama na may dala ng isang bandehadong pansit kung magkano iyon.. bakit nya kaya natanung?? Napagisipisip ko na siguro naghahanap siya ng mailalagay niya sa kanilang hapag mamaya na kakasiya sa kanyang kikitain… kaya mo kaya gawin yon para sa pamilya mo??? Papunta na ako ng EVER para bumili ng madaanan ko ang isang pamilya na nakaupo sa daanan… ang ama ay natutulog, ang ina naman ay gumagamit ng rugby, at ang nagiisang anak nila ay umiiyak sa gutom… Naisip mo ba na may karapatan ba tayo magsaya kung ang iba naman ay nagkakaganon… masakit isipin pero halos lahat sa atin pag nakakita ng ganon eh dadaanan lang, mandidiri, walang paki alam… pagpasok ko sa EVER eh ang daming tao sa department store… bili ditto, bili don ma satisfied lang ang pamilya nila mamaya… sarap gumastos lalo na pag pinaghirapan… pilipino tayo eh… bili ako ng grahams pero out of stock nah… lahat ba ng tao naisip gumawa ng ref cake.. pagkatapos ko mamili sa department store at sa penshoppe eh lumabas na ako ng EVER.. my nakita akong isang mama sa gilid, namalimos ito, matanda nah at kung titignan eh bilang na lang ang araw.. nakakapanlumo talaga tignan… nakakaawa… nasan kaya ang pamilya niya??? Di man lang nila naisip siya??? Diba dapat sama-sama ang magpapamilya mamaya… ako ang nasaktan sa naisip ko… hays!!! may dumaan na dalawang bata at hinagisan ng paputok yung matanda.. grabe di man lang nahabag sa matanda… buti na lang may babae na tumulong sa matanda at nagbigay ng inumin… sandaling oras lang ako sa recto pero ibat ibang tao n nakasalamuha ko… marami agad akong narealize na bagay bagay…. Pauwe na ako ng may madaanan yung jeep ng isang grupo ng nagiinuman… ang saya nila, mas maingay pa sa pinapaputok ng mama malapit sa kanila… happy happy sila… eto na nakauwi din sa aming tahanan… halos luto na lahat ang pagkain. Sarap naman!! Lumabas muna ako para kamustahin ang mga kada ko, ayun parang matagal kami di nagkitakita dahil ang kukulet naming, ingay dun ingay dito… parang walang bukas!!! Busy pa din ang lahat para mamaya… wow nararamdaman ko na din ang bagong taon!!! Nagmasid masid ako sa paligid… ang mga bata may hawak na torotot, ang mga tambay eh nagsasayawan habang umiinom ng alak….. nakakalungkot lang talaga na di ako nakapag simba ng oras na yun para magpasalamat sa taong nagdaan… hays!!! Eto na 30 minutes na lang at bagong taon nah….. sayawan kami sa kalye kasabay ng ingay ng mga paputok at musikang napakalakas…. Countdown na naming magbabarkada 5.. 4.. 3.. 2.. 1.. Appee new year!!!! Umuwi agad ako sa bahay para batiin at yakapin ang mga magulang ko…. Masaya dahil 1st time kong ginawa yun sa buhay ko at malungkot dahil di ko pa din magawa sa mga kapatid ko… hays…

REALIZATION:
(isapuso mo pag babasahin mo para mafeel mo yung message!!)
Madaming tao ang naghihirap, halos wala makain, walang kayod pero madaming tuka, dinadaan sa bawal na gamut ang problema, mga taong kinalimutan ng pamilya, problemado kung ano ang kakainin ng pamilya, binibilang na lang ang araw na itatagal sa mundo…. Diba masakit isipin na nangyayari sa ibang tao yan paano pa kaya kung isa sa kapamilya mo ang nagdadaan sa mga yan… kaya mo pa ba magsaya kung may nakikita ka na nagkakaganon??? Masakit.. sobrang sakit diba!!! Nagbabasa ka ba ng bible?? Diba binigay ni hesus ang kanyang laman at dugo na naging tinapay at alak sa mga taong nagugutom na nakapaligid sa kanya!!! Napakadakila diba!!! Alam nating di natin kaya gawing tinapay at alak ang dugo at laman natin… pero maari naman natin gawin n magpasaya ng tao… kahit wala kang pera o pagkain na maiibigay, sabihin mo lang na mahal mo sila gaya ng pagmamahal ni kristo sa atin… magbahagi ka ng ngiti… pero bkit di natin magawa?? Nahihiya sa sasabihin ng barkada mo?? Dahil astig ka sa tingin ng tao?? Astig ka nga, paano naman yung puso mo??? Pare kahit gaano kabato ang puso mo, kahit magpakastig ka sa harap ng iba!!! Alam ng diyos mo kung gaano ka nasasaktan sa ginagawa mo…. Kaya habang may oras pa… ipakita mo na mahal na mahal mo ang mga magulang at kapatid mo, itama ang mga maling nagawa, maging daan para sa pagbabago ng mga taong nakapaligid sayo, magpasaya ka kahit simple lang……. Napakagandang new year resolution diba!!! New year resolution na di lang para sayo kundi para din sa iba… galing ni god diba!!! Tinuruan niya tayo paano mamahagi ng pagmamahal…. At kung paano magmahal…

(-_-)
Sana pow ay natuwa at nabuksan ko ang puso nyo at puso ko sa pamagitan ng mensahe ko.. hehehe!!! New year, New Trials, Madaming darating, madaming mawawala…. Tumatanda na tayo.. ibig sabihin malapit na ang itinakdang araw ng ating paglisan, paglisan ng mga minamahal natin…… mahalin natin sila ng lubos, gumawa ng mabuti sa kapwa… baguhin na ang masamang nakaugalian… Wag na kayo gumawa ng new year resolution kung di naman isasapuso at ipagdadasal… isipin ang nagdaang taon at gawing makanuluhan ang taoon dumating.. HAPPY NEW YEAR!!!!