Sunday, December 30, 2007

7 DeAdLy SiNs


7 DEADLY SIN???
-jomahkulet-

Sloth
-pagkatamad?? nakakamatay nga ba ang pagiging tamad? sa pagpapaliwanag sa pamamagitan ng lohika, di aman nkakamatay ang pagkatamad, wala ka ngang ginagawa eh, makakapagpahinga ka pa….. pero sa pagpapaliwanag ng siyensya eh maari kang mamatay ng maaga dahil sa pagkatamad dahil di gaanong nababanat ang iyong mga muscle sa katawan na dahilan para humina ang puso at baga moh… pero para sakin, ang pagkatamad ay nakakamatay, nakakamatay ng pagkakataon, nakakamatay ng pamilyang binuo, nakakamatay ng loob na sumasandal at umaasa sayo… di mo nagaganpanan ang purpose mo sa mundo, purpose mo sa ibang tao, purpose mo sa pamilya mo at purpose mo bakit ka pinadala ng diyos mo sa mundong ito… okey pa ba ang puso mo..

Lust
-pagnanasa?? Nakakamatay ba ang pagnanasa… depende ba yan sa pagnanasahan moh?? Para sakin eh nakakamatay ang pagnanasa, kahit ano pang pagnanasa yan eh pagnanasa pa din yan… bkit mo naman pagnanasahan ang isang bagay na di naman sayo o di pa oras na ibigay para sayo… kahit di man malaman ng taong pinagnasahan mo, bagay na pinagnasahan mo eh dumudugo naman ang puso ng diyos mo… sa huli ba may napala ka ba.. masaya ka ba..

Pride
-di marunong magpakumbaba?? Nakakkamatay ba yan? Ano naman kung mapride ka? Purkit ba ma pride kang tao eh makasalanan ka nah? Tama makasalanan ka nga… di ka marunong tumanggap ng mali, pagkatalo… sa palagay mo ba titingalain ka ng iba pag mapride kah? Di lnag mga tao sa paligid mo ang niloloko mo, pati sarili mo at diyos mo… alam mo naming mali gagawin mo pa din dahilsa pride, kahit mali magsisinungaling at magyayabang ka pa din dahil sa pride?? Pare diyos mo nga lumuluhod eh tapos kaw pa itong magmamataas…

Gluttony
-Masiba?? Mamatay ka ba kapag masiba ka?? Diba nga dapat malusog ka niyan?? Tama, mamamatay ka nga.. iba naman kasi ang masiba sa tamang pagkain… maari kang makakuha ng sakit sa pagiging masiba mo sa pagkain o sa kahit anu pa mang bagay yan… ang di tamang pagkain ay maaring makasira ng iyong katawan… katawan na templo ng espirito santo.. katawang hiram mo lang sa diyos moh.. di mo ba inisip na di lang ikaw ang naapektohan ng pagiging masiba mo… maraming tao ang naghihirap sa pagtrabaho para lang makain sa isang araw, bakit di mo na lang ipamahagi… masaya ka nga panu naman yung iba..

Greed
-Sakim?? Bakit ba may sakim?? Sa palagay mo ba pag nagging sakim ka eh lahat ng kaligayahan, kayamanan ay mapapasayo… mapasayo man lahat magiging maligaya ka kaya?? Pare lahat ng taong mahalaga sayo lalayo sayo… bakit??? Syempre nasasaktan mo sila… nasasaktan sila sa nakikita nila sayo… pati diyos mo nasasaktan din… ang kapal mo naman pare kung sakim ka… diyos mo nga di pinagdamot ang kanyang buhay para satin eh… mapalagay ka pa kaya niyan..

Envy
-Imggit?? Nakakamatay din ba ang inggit?? Bakit mo kailangan mainggit?? D ka ba masaya kung anu ang meron kah?? Di mo kailangan mainggit.. lahat tayo may kanya kanyang kakayahan, anyo, yaman, talino at lahat ng ipinagkaloob satin… sino ba kinaiinggitan mo? Siya, sila??? Pare magisip kah…. Isipin mo na lang yung makakabuti sa kapwa mo kesa magisip ka ng ikaiinggit moh.. isipin mo na lang yung mga mabuting paraan para makamit mo ang iyong kinaiinggitan kasama ang iyong kapwa.. nainggit ka nga, may napala ka ba

Wrath
-Poot?? Bakit ka napupoot?? May nagawa ba silang mali sayo?? Nasaktan ka ba nila?? Kung puro poot ang papairalin mo magiging masaya ka ba.. sigurado na makakasakit ka lang.. at kung makasakit ka eh mawawala ba yang poot na nararamdaman mo?? Bakit di mo subukang magpasalamat sa taong kinapupootan mo.. humingi ka ng paumanhin dahil napuot ka sa kanya… mapalagay ka kaya kung poot ang papairalin mo..


(-_-)
Ako naranasan ko ng maging ganid, napoot sa mga taong nakasakit sakin, mainggit sa mga taong angat sakin, maging masiba sa pagkain, magnasa sa mga bagaybagay at pagkatamad.. alam komg nangyayari rin sayo ang mga kasalanang ito.. pero bakit ganon.. alam na nating mali eh ginagawa pa din natin.. nararamdaman pa din natin.. tama dahil tao tayo.. tao nga nman.. nagging tao naman si jesus ah… pero di man lang niya nagawa o naramdaman ang mga ganitong mga ksalanan.. alam nyo bakit?? Kasi nagmamahal siya… nagmamahal ng wagas para sa lahat.. bkit di natin subukang magmahal.. sigurado pag minahal natin ang mga taong nakapaligid satin, kahit sino man yan, mayaman o mahirap, kaaway o kakampi, masama o mabuti.. sigurado na mawawala sa katawan mo ang mga kasalanan na yan… pag nagmahal ka tiyak na matututo kang magpatawad gaya ng pagpapatawad satin ng amang lumikha, kakayanin mong magbigay kahit pa buhay mo para sa iba, matuto kang di mainggit kundi ibahagi kung anu ang meron ka, igagalang mo lahat ng tao sa paligid mo mapabata man o matanda, magpakumbaba sa lahat ng bagay.. tsong kahit baduy man sabihin eh gusto ko sabihin sayo na magmahal ka lang… magmahal ng magmahal para bago mo lisanin ang mundong ito at humarap sa diyos mo ay may maipagmamalaki kang nagawa sa mga taong nakapaligid sayo, natapos mo ng mabuti ang tungkulin mo dito sa mudo, masaya ka sa paglisan mo sa mundo, masaya at buong loob na nagpapasalamat n nagging parte ka ng kanilang buhay at higit sa lahat eh masaya ang diyos mo.. sarap isipin noh.. sana kung gaano siya kasarap isipin eh ganun din nyo din sya gawin… sana napukaw ko di lang sa sarili ko pati ang inyong kaisipan sa aking mga nasulat.. taus puso akong nagpapasalamat sa pagbasa sa aking sinulat… MAGMAHAL KA LANG